MANILA, Philippines – Nagsagawa ng surprise port inspection ang Philippine Ports Authority (PPA) upang malaman ang sitwasyon ng mga pasahero na babiyahe sa ibat-ibang probinsya ngayong holiday season.
Nanguna sa inspeksyon si PPA Assistant General Manager for Operations Mark Jon S. Palomar sa NorthPort Passenger Terminal nitong Biyernes, Disyembre 26 o ilang araw bago ang pagsalubong ng Bagong Taon.
Layon ng inspeksyon na matiyak ang smooth operation ng mga pasilidad sa pantalan sa panahon ng Holiday Season ngayong taon.
Nitong 5:30 ng hapon ay may nakatakdang byahe sa north port patungong Puerto Princesa, Coron, Butuan, Gensan, Davao, Cagayan, at Cebu, ayon sa PPA.
Nauna nang inihayag ng pamunuan ng PPA na posibleng umabot sa higit isang milyon ang babiyahe at dadagsa sa mga pantalan ngayong Holiday Season. Jocelyn Tabangcura-Domenden