Home NATIONWIDE Mas maikling transition period sa balik-school calendar isinusulong ni Gatchalian

Mas maikling transition period sa balik-school calendar isinusulong ni Gatchalian

MANILA, Philippines- Hiniling ni Senador Sherwin Gatchalian nitong Huwebes ang pangangailangan na paikliin ang transition period sa pagbabalik ng lumang t school calendar.

Inihayag ito ng chairman ng Senate basic education committee matapos suspendihin ang klase sa ilang public school dulot ng sobrang mainit na panahon sa lugar.

“Ang weather kasi ngayon hindi na ma-predict e at ang trend na nakikita ko painit… Noong mga unang panahon ‘di naman pumapalo ng 40 [degrees celcius] ‘yung panahon. But this time around, 40 is the new normal,” ayon kay Gatchalian sa ginanap na Kapihan sa Senado forum.

“The shorter the transition, the better at isa ‘yan sa titignan natin at kung kakayanin ire-recommend sa [Department of Education] na i-shorten ang transition,” dagdag niya.

Kahit inamin nitong hindi madali ang pagbabalik sa lumang school calendar, sinabi ni Gatchalian na dapat ikonsidera ang rekomendasyon upang hindi maranasan ulit ng estudyante ang problemang kinaharap nila sa susunod na taon.

“Aminado ako na ‘di kaya ng instant. Kung instant kasi may isang year na wala tayong academic break. Let’s see if we can shorten it para hindi umabot sa ganong sitwasyon,” pahayag ng senador.

Naunang inihayag ni Gatchalian noong Marso 2023 na napapanahon ang pagbablaik ng April to May summer vacation.

Ipinakita din ni Gatchalian ang resulta ng Pulse Asia Survey noong Hunyo 2023 na ngsasabing alo sa 10 Filipinos ang pabor na ibalik ang lumanng summer vacation mula Abril hanggang Mayo.

Nanawagan din si Gatchalian sa mga principal na huwag pwersahin ang kabataan na pumasok sa dahilang baka makaranas pa sila ng heat exhaustion sa loob ng paaralan.

Iminungkahi din ni Gatchalian na bigyan ng “flexibility” ang manggagawa sa panahon ng tag-init partikular ang nagtatrabaho sa labas tulad ng traffic enforcers, construction workers, at street sweepers. Ernie Reyes

Previous articleHirit ng government agencies na makadaan sa EDSA Busway tabla muna sa DOTr
Next articleDICT: Cyberattack sa DOST ‘one of the biggest’