Home NATIONWIDE Hirit ng government agencies na makadaan sa EDSA Busway tabla muna sa...

Hirit ng government agencies na makadaan sa EDSA Busway tabla muna sa DOTr

MANILA, Philippines- Tinabla ni Department of Transportation Secretary Jaime J. Bautistaang hiling ng iba’t ibang government agencies na mapasama sa listahan ng mga sasakyang papayagang dumaan sa kahabaan ng EDSA Busway.

Inihayag ito ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Don Artes at binigyang-diin na kahit shuttle buses ng sarili nilang ahensya ay hindi pinapayagang dumaan sa EDSA Busway.

Ito ay kasunod ng pagkakasita sa dalawang MMDA shuttle na ilegal na dumaan sa EDSA Busway, kung saan inihayag ni Artes na pagmumultahin ang dalawang driver ng P5,000.

“The rule is that even our shuttle buses are not allowed to use EDSA Bus Carousel,” giit ni Artes.

Inilahad niyang nakatanggap sila ng request mula sa iba’t ibang government agencies at private entities para makadaan sa EDSA Bus Carousel.

“But when we endorsed it to the DOTr, they were denied,” ani Artes.

Nitong Huwebes, inulit ni Bautista na tanging mga awtorisadong sasakyan lamang ang pinapayagang gumamit ng EDSA Busway kabilang ang mga sumusunod:

  • LTFRB-authorized buses, kabilang ang mga bus na may special permits at/o prangkisa upang bumiyahe sa EDSA Busway;

  • On-duty ambulances;

  • Firetrucks;

  • Philippine National Police (PNP) vehicles;

  • Service vehicles na nagsasagawa ng tungkulin sa EDSA Busway Project.

Gayundin, maaaring dumaan ang Pangulo, Bise Presidente, Senate President, Speaker of the House of Representatives, at ang Supreme Court Chief Justice sa EDSA Bus Carousel. RNT/SA

Previous articlePangako ng Pinas: BRP Sierra Madre mananatili sa Ayungin Shoal
Next articleMas maikling transition period sa balik-school calendar isinusulong ni Gatchalian