MANILA, Philippines – Mahigit kalahati na ng mga nakaupong senador ang nagsapubliko ng kanilang pinkabagong Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Dumagdag sa listahan ng mga naglabas ng SALN ay sina Senador Bam Aquino, Pia Cayetano, JV Ejercito, Francis “Chiz” Escudero, Panfilo “Ping” Lacson, Lito Lapid, Loren Legarda, Erwin Tulfo, Joel Villanueva, at Juan Miguel “Migz” Zubiri.
Sa listahan, si Senador Erwin Tulfo ang may pinakamataas na net worth na nagkakahalaga ng P497 milyon.
Batay sa kanyang SALN hanggang nitong Hunyo 30, 2025, siya ay may assets na P656.30 milyon. Sa nasabing halaga, ang mga personal properties niya ay mga sasakyan, alahas, armas, at cash na nagkakahalaga ng P445.33 milyon habang ang kanyang real properties ay nasa P210.96 milyon.
Mayroon naman itong liabilities na personal loan at car loan/ credit cards/insurance na nagkakahalaga ng P159.29 milyon.
Sunod sa listahan si Zubiri sa pagdedeklara niya ng net worth na P431.77 milyon at Bam Aquino sa net worth na P86.55 milyon.
Narito pa ang ibang mga senador na nagdeklara ng SALN at kanilang net worth:
Pia Cayetano – P128.29 milyon
Chiz Escudero – P18.84 milyon
JV Ejercito – P137.07 milyon
Ping Lacson – P244.94 milyon
Lito Lapid – P202.03 milyon
Loren Legarda – P79.21 milyon
Joel Villanueva – P49.50 milyon
Samantala, ang mga senador na hindi pa naglalabas ng kanilang mga SALN ay sina:
Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano
Senator Jinggoy Estrada
Senator Imee Marcos
Senator Ronald “Bato” Dela Rosa
Senator Bong Go
Senator Rodante Marcoleta
Senator Mark Villar
Senator Camille Villar