Home NATIONWIDE Mas maraming earthquake drill sa mga opisina, suportado ng DOLE

Mas maraming earthquake drill sa mga opisina, suportado ng DOLE

237
0

MANILA, Philippines – Suportado ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panawagan para sa higit pang earthquake drill sa lahat ng mga establisyimento at lugar ng trabaho sa buong bansa kasunod ng serye ng mga lindol na yumanig sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa isang pahayag na ang pagmamalasakit at adbokasiya para sa kaligtasan at kalusugan sa trabaho ay isang shared responsibility ng mga manggagawa, employer, at gobyerno.

Nauna nang nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) para sa higit pang mga drill upang maipabatid sa mga manggagawa at employer ang mga protocol sa kaligtasan sa panahon ng lindol at iba pang kalamidad.

Ayon sa TUCP, mas madalas na mga drill ay dapat ding maging pagkakataon para sa mga emergency preparedness meeting, kabilang ang pagpapataas ng kamalayan sa karapatan ng mga manggagawa na tumanggi sa hindi ligtas na trabaho. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here