MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Department of Transportation (DOTr) ang pakikipagpulong sa Canadian Embassy sa Pilipinas para palawakin ang mga ruta sa pagitan ng Pilipinas at Canada para mapalakas ang kalakalan, turismo at ugnayang pang-ekonomiya.
Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na pinalalakas ng bansa ang ugnayan nito sa mga internasyonal na destinasyon, na tinalakay sa pakikipagpulong kay Canadian Ambassador to the Philippines David Hartman.
Aniya ang Pilipinas at Canada ay may 75 taon nang matibay at friendly bilateral relations at maraming flight papunta at mula sa Canada ay magpapabuti sa ekonomiya ng Pilipinas.
Idinagdag ni Bautista na si Hartman ay nagpahayag ng pag-asa na ang pagpapalawak ng mga flight papunta at mula sa rehiyon ng North America ay lalabas dahil sa pagtaas ng demand.
Sa katatapos na Aviation Summit 2024, sinabi ni Bautista na inaasahang ilulunsad ang mga bagong ruta patungo sa ibang mga bansa dahil magbibigay ito ng flexibility sa mga manlalakbay habang umaakit ng mga dayuhang turista.
Ang mga direktang flight sa pagitan ng Pilipinas at France ay nakatakdang magsimula sa Disyembre 8 bilang bahagi ng pagpapalawak ng ruta ng Asia-Pacific. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)