MANILA, Philippines – Naglabas ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng updated na listahan ng mga gamot na exempted sa value-added tax (VAT) kung saan kasama rito ang 25 na gamot sa kanser.
Kabilang din sa listahan na ito ang mga gamot na panggamot sa hypertension, cancer, sakit sa isip, tuberculosis, sakit sa bato, diabetes, at mataas na kolesterol.
Ayon sa circular, 25 gamot laban sa cancer ang nadagdag sa VAT-exempt list kabilang ang: Amivantamab, Anagrelide (as hydrochloride), Atezolizumab, Bendamustine Hydrochloride, Bleomycin (as sulfate), Bortezomib, Carfilzomib, Dasatinib, Docetaxel, Docetaxel (as Trihydrate), Doxorubicin Hydrochloride, Epirubicin (as hydrochloride), Epirubicin Hydrochloride, Etoposide, at Everolimus.
Kasama rin dito ang Ixazomib (as citrate), Irinotecan Hydrochloride, Lapatinib (as ditosylate monohydrate), Oxaliplatin, Paclitaxel, Pemetrexed (as Disodium Hemipentahydrate), Ruxolitinib (as Phosphate), Triptorelin (as Embonate), at Vinorelbine (as tartrate).
Habang ang Diabetes drugs na nadagdag sa VAT-exempt list ay Dapagliflozin + Metformin Hydrochloride, Dapagliflozin + Metformin Hydrochloride (in extended-release form), Evogliptin (as tartrate), Gliclazide + Metformin Hydrochloride, Insulin Glargine, Metformin hydrochloride + Glibenclamide, Sitagliptin (as phosphate monohydrate) + Metformin Hydrochloride, Sitagliptin (as phosphate) + Metformin Hydrochloride, at Vildagliptin.
Kabilang din ang gamot para sa high cholesterol kabilang ang Fenofibrate at Inclisiran (as sodium).
Nadagdag din ang mga bagong gamot para sa hypertension kabilang ang Amlodipine (as besilate) + Bisoprolol fumarate, Irbesartan + Amlodipine (as besilate), Losartan (as Potassium), Losartan Potassium + Hydrochlorothiazide + Amlodipine (as besilate), Macitentan, at Nebivolol (as Hydrochloride).
Ang mga VAT-exempt medicines para naman sa kidney disease ay kabilang sa Alpha Ketoanalogues + Essential Amino Acids, Epoetin Alfa (Recombinant Human Erythropoietin), Everolimus, Mycophenolate Mofetil, Peritoneal Dialysis Solution Low Calciyum with 1.5% or 4.25% Dextrose, Peritoneal Dialysis Solution with 2.3% Dextrose, Potassium Citrate, Sevelarmer (as Carbonate), at Spherical Carbon Adsorbent.
Ang mga gamot naman sa mental illnesses na wala nang pataw na VAT ay Agomelatine, Aripiprazole, Midazolam (as Hydrochloride) at Venlafaxine (as hydrochloride).
Ang Bedaquiline (as Fumarate) na isang tuberculosis treatment, ay wala na ring VAT.
Samantala, kinalos sa circular ang Ixekizumab sa VAT-exempt list. Dati itong kabilang sa mga exempt na gamot sa cancer. RNT