Home NATIONWIDE Persons of interest sa pamamaril sa Remate photog iimbitahan ng PNP

Persons of interest sa pamamaril sa Remate photog iimbitahan ng PNP

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police na inimbitahan na nila ng persons of interest sa pamamaril sa isang mamamahayag na kasama ng kanyang pamilya sa Quezon City.

“Ito ay dine-develop na namin, may mga taong ipinatatawag at kukuhanan ng statement,” ani Quezon City Police District Director Police Brigadier General Nicholas Torre III sa isang interbyu.

Idinagdag ni Torre na nakakuha sila ng karagdagang CCTV footage na nagpapakita ng kinaroroonan ng mga suspek bago ang insidente.

Sinabi ni Torre na mayroon nang impormasyon ang mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng pamamaril sa photographer ng Remate Online na si Joshua Abiad, na kasama ng kanyang pamilya nang pagbabarilin ng mga armado ang kanilang sasakyan sa kahabaan ng Corumi Street, Corner Gazan Street alas-3:45 ng hapon, sa Huwebes.

“Nangyari na ang nangyari, siguradong alam niyo kung ano ang pinaggagagawa niyo. Maglinis ka na. Buti walang namatay pero napakalubha ng nangyari sa mga bata. Maybe this will be a life in prison for you, sa mga gumawa. Alam kong alam mo ang ginawa mo,” sabi ni Torre. RNT

Previous articleMas maraming gamot sa kanser, TB, diabetes swak sa VAT-exempt list
Next articleWattah Wattah na walang basaan ipinagdiwang sa San Juan