Home NATIONWIDE Wattah Wattah na walang basaan ipinagdiwang sa San Juan

Wattah Wattah na walang basaan ipinagdiwang sa San Juan

MANILA, Philippines – Ipinagdiwang ng Lungsod ng San Juan noong Sabado ang taunang Pagdiriwang ng Wattah Wattah.

Pero taliwas sa nakagawian na basaan, hindi gumamit ng kahit na ano pagbubuhos ng tubig sa pagdiriwang ng kapistahan ng patron nitong santo, si St. John the Baptist.

Nagsagawa naman ng float paradesa syudad na nagtatampok ng “Santong Tao,” o ang mga muling nag-reenact ng buhay ni San Juan Bautista, upang simulan ang pagdiriwang.

Nagsimula ang float parade sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City Hall at dumaan sa mga pangunahing kalsada ng lungsod.

Nakasuot ng matingkad at makukulay na kasuotan, lumahok ang mga residente ng San Juan City sa street dancing competition.

Sampung grupo mula sa iba’t ibang barangay ang sumali sa kompetisyon.

Kinansela ang tradisyunal na “basaan” o water dousing activities sa gitna ng posibleng kakulangan ng tubig dahil sa nalalapit na El Niño, sinabi ni Mayor Francis Zamora. RNT