Home NATIONWIDE Matibag: NBI nakatanggap ng impormasyon, 18 ex-Marines inalok ng tig-P5M ni Defensor

Matibag: NBI nakatanggap ng impormasyon, 18 ex-Marines inalok ng tig-P5M ni Defensor

1
0

MANILA, Philippines – Isiniwalat ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag nitong Huwebes, Hunyo 4 na nakatanggap sila ng impormasyon na sinuhulan ni dating congressman Mike Defensor ang bawat isa sa 18 ex-Marines ng P5 milyon para tumestigo bilang “bagment” ni dating congressman Elizaldy Co.

Sa pres conference, sinabi ni Matibag na lumapit sa kanya ang kaanak ng isa sa 18 umano’y Marines para isiwalat ang naturang impormasyon.

Aniya, ang NBI ay nag-isyu ng subpoena para kay Defensor at inatasan itong humarap para sagutin ang isyu.

Wala pang tugon si Defensor kaugnay nito.

Ang “18 ex-Marines” ay kasalukuyang nasa Senado para dumalo sa pagdinig ng blue ribbon committee para sa flood control scandal. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here