Home NATIONWIDE Mas maraming pre-cast housing plants tinitingnan ni PBBM sa pagpapabilis ng 4PH...

Mas maraming pre-cast housing plants tinitingnan ni PBBM sa pagpapabilis ng 4PH rollout

196
0

MANILA, Philippines – ITINULAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes, Pebrero 16 ang pagpapalawak ng pre-cast housing facilities sa buong bansa bilang bahagi ng pagsisikap na mapabilis ang implementasyon ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) program.

Pinangunahan ang mahalagang yugto ng event ng 4PH at 7th anniversary celebration ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa Megawide Pre-Cast Plant sa Taytay, Rizal, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang papel ng ‘modern construction technology’ para pabilisin ang housing delivery na hindi isinasakripisyo ang kalidad at abot-kayang halaga.

“Gagawin po namin lahat ng aming kakayahan upang hindi lamang itong plantang itong nakikita ninyo ngayon kung hindi madagdagan pa at maparami pa upang mapabilis ang konstruksyon at maparami ang aming maibibigay na tahanan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.

Nilibot naman ng Pangulo ang pasilidad, na gumawa ng pre-cast components gaya ng mga “walls, slabs, beams, and columns for 4PH projects financed by Pag-IBIG Fund.

PInapayagan ng pre-cast construction ang sabay-sabay na produksyon ng building components sa isang controlled environment, lalo na ang pagpapaikli sa timelines ng proyekto.

Winika pa ng Pangulo na na hindi lamang binabawasan ng modern building technologies ang construction time kundi pinaiikli rin ang waiting period para sa mga pamilya na naghahangad na magkaroon ng sarili nilang tahanan,.

Muling iginiit ngayong araw ni Pangulong Marcos Jr. ang tuluy-tuloy na mga programa ng pamahalaan upang mabigyan ng tahanan ang bawat pamilyang Pilipino. Sa kaniyang talumpati sa paggunita ng ikapitong anibersaryo ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na ginanap sa Taytay, Rizal kaninang umaga, pinagtibay muli ng Pangulo ang pangako ng pamahalaan na walang pamilya ang mapag-iiwanan at patuloy na magtutulungan ang gobyerno at pribadong sektor upang mabigyan ng panatag, marangal, at tahanang bukas ang bawat pamilya.

Bilang pangunahing ahensiya sa pabahay at urban development, patuloy na pinamumunuan ng DHSUD sa pangunguna ni Secretary Jose Ramon Aliling ang mga programa ng pamahalaan kabilang na ang Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino o 4PH. Kanina, personal na pinaabot ni Pangulong Marcos Jr. ang pamamahagi ng mga sumusunod: vertical at horizontal housing units, certificates of lot award, tulong-pinansiyal sa ilalim ng Enhanced Community Mortgage Program (ECMP), at certificates of entitlement para sa mga matagal nang naghihintay na benepisyaryo ng presidential proclamations.

“Sa datos ng DHSUD mula July 2022 hanggang Enero 2026, nakapagtayo at nakapag-finance ang pamahalaan ng mahigit 423,430 housing units. Pinalalakas din ang mga reporma sa Pag-IBIG Fund upang mapababa ang interes ng housing loans at makabagong teknolohiya ng pre-cast construction. Pinabibilis din nito ang produksiyon ng abot-kayang pabahay,” ayon kay Pangulong Marcos.

Muli, tiwala aniya si Pangulong Marcos na sa Bagong Pilipinas, malinaw na walang pamilya ang dapat mapag-iwanan sa pag-unlad. Dagdag pa ng Pangulo, habang may Pilipinong nangangarap ng sariling tahanan, patuloy na kikilos ang pamahalaan upang maisakatuparan ang mga ito. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here