Home NATIONWIDE Mas maraming pulis ipakakalat sa Eid’l Fitr

Mas maraming pulis ipakakalat sa Eid’l Fitr

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Abril 8 na magpapakalat ito ng mas maraming pulis para magbigay-seguridad sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr sa Miyerkules.

Sa press briefing, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na ang mga ito ay itatalaga sa mga lugar kung saan mayroong mga aktibidad sa okasyon.

“On the part of the PNP, may mga in-implement po tayo na mga security measures particularly doon sa mga areas of activities and festivities to make sure po na magiging ligtas po,” ani Fajardo.

“Nagdagdag po tayo ng mga kapulisan doon sa mga areas na kung saan merong mga aktibidad po relating to the celebration of Eid’l Fitr,” dagdag pa niya.

Ang Eid’l Fitr ay marka ng pagtatapos ng Ramadan, isa sa pinaka-importanteng selebrasyon sa Islam.

Kamakailan ay idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Abril 10 bilang regular holiday sa buong bansa para sa selebrasyon ng Eid’l Fitr. RNT/JGC