Home METRO Salvage victim natagpuan sa balikbayan box sa Tondo

Salvage victim natagpuan sa balikbayan box sa Tondo

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang biktima ng “salvage” ang katawan ng isang babae na nakasilid sa box sa Tondo, Maynila.

Ang biktima ay nakabalot ng packing tape sa buong katawan, nakasuot ng kulay asul at putting stripes-t-shirt, maong short pants at naka-paa bago isinilid sa loob ng box.

Ayon sa imbestigayson ng MPD-Homicide Section, isang tricycle driver na may alyas na ‘Biboy’ ang nakapansin sa kahon sa isang madilim na lugar noong Sabado at kanya itong sinilip.

Binuhat ang kahon patungo sa maliwanag na lugar para isakay sa kanyang tricycle nang lapitan nito ang saksi na sina Edwin Balbin at Aries Aquino upang magpatulong.

Nang inspeksyunin nila ang nilalaman ng box, tumambad sa kanila ang ulo ng tao.

Bunsod nito, agad nilang inireport ang insidente sa Barangay 109 na nakakasakop sa lugar at ipinagbigay-alam sa Don Bosco PCP.

Sa ocular investigation, ang nasabing tricycle driver ay hindi na matagpuan.

Patuloy naman ang follow-up operation/investigation ng pulisya sa kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden