Home METRO Negosyanteng tulak timbog sa P1.8M bato sa Bulacan buy-bust

Negosyanteng tulak timbog sa P1.8M bato sa Bulacan buy-bust

Bulacan – Arestado ang isang negosyante matapos umanong mabilhan at mahulihan ng P1,836,000 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Calumpit.

Kinilala ang suspek na si Wilson Clavito, 51, alyas Choco, businessman, may-asawa at residente ng Brgy. Poblacion 1, San Jose Del Monte.

Sa report, ikinasa ang operasyon ng Calumpit police station sa pangunguna ni PLTCOL Crisanto Lleva katuwang ang Bulacan Provincial Intelligence Unit na pinamumunuan ni PLTCOL Jesus Manalo bandang 5:55 ng hapon nitong Abril 7 sa Purok 7, Brgy. Pio Cruzcosa.

Ayon sa report, nabilhan ng isang sachet na pinaghihinalaang shabu si Choco ng poseur buyer kaya agad itong inaresto ng mga pulis na nasa lugar.

Nalamang nang rekisahin ang suspek ay nasamsaman pa ng black shoulder bag na may lamang walo pang medium size transparent plastic sachet na pinaghihinalaang shabu na tumimbang ng 270 gramo na may halagang P1,836,000, P1,000 marked money at 33 pirasong P1,000 boodle money.

Sinasabing kagyat nagsagawa nang pagmamanman ang mga awtoridad matapos inguso ng impormante na ang suspek ang nagbebenta ng iligal na droga sa naturang barangay.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyong humuli sa kanya. Dick Mirasol III