Home METRO Masasarap na pagkain, ibinida sa Culinary Capital ng bansa

Masasarap na pagkain, ibinida sa Culinary Capital ng bansa

MANILA, Philippines – Ibinida ang kauna-unahang Manyaman Festival sa San Fernando, Pampanga, ang itinuturing na Culinary Capital ng bansa na tampok ang pagpapakilala ng masasarap na pagkain sa lalawigan.

Sinabi ni Pampanga board member at chairperson ng Arts Culture and Education Mylyn Pineda Cayabyab na siya ring organizer ng Manyaman Festival, na sa pamamagitan ng aktibidad ay higit nilang pagyayamanin at palalakasin ang pagpapakilala sa mundo partikular sa bansa ang masasarap na pagkain sa Pampanga.

“Ipinakikita natin dito na madami tayong masasarap na pagkain na dapat makilala at matikman ng ibang mamamayan. Kilala tayo sa masasarap na pagkain tulad ng langonisa, sisig at kare kare at iba pang pagkain na dito sa amin nagmula,” sabi ni Cayabyab.

Ayon pa kay Cayabyab, sa pamamagitan ng Festival ay matutulungan ang maliliit na negosyante na makaangat sa negosyo mula sa epekto ng nagdaang pandemya.

Aniya, ang Manyaman Festival ay taunan na nilang ipagdiriwang na may malaking tulong din na mapasigla ang turismo sa Pampanga.

Sa Manyaman festival ay may kanya-kanyang lutong pagkain ang mga cook at chef ng 19 na bayan at 3 bayan na magtatagisan ng luto sa pagkaing kapampangan kasama ang mga senior HS students at culinary-HRM students.

May pagkilala at premyo ang mananalo sa naturang cooking competition. Santi Celario

Previous articleGirls’ Generation YOONA may fan meeting sa Manila!
Next articleM-7.4 na lindol tumama sa North Sulawesi, Indonesia