Home HOME BANNER STORY Masbate isinailalim sa state of calamity

Masbate isinailalim sa state of calamity

349
0

MANILA, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang Masbate dahil sa epekto ng bagyong Opong.

Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang Resolution No. 164-2025 na nagdedeklara sa probinsya sa ilalim ng state of calamity, kasunod ng rekomendasyon ni Governor Ricardo Kho at disaster councils, ayon sa Masbate Provincial Information Office.

Ang hakbang na ito ay batay sa ulat mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), kung saan nasa 16,302 pamilya o 57,113 indibidwal ang apektado at patuloy pang tumataas.

Sa ilalim ng Local Government Code of 1991 at Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, nagbibigay-daan ang deklarasyon ng probinsya sa paggamit ng quick response at calamity funds for relief, rehabilitation, and recovery efforts.

Nagbibigay din ito ng kapangyarihan sa lokal na pamahalaan na magpatupad ng price control sa mga pangunahing produkto at pagbibigay ng access sa no-interest loans sa mga apektadong residente.

Lahat ng local government units sa Masbate ay inatasan nang magpaabot ng tulong sa mga komunidad na sinalanta ng bagyo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here