Home OPINION MASIPAG SIRA SA MAAGAP

MASIPAG SIRA SA MAAGAP

285
0

KAHAPON, nagbigay-babala ang pamahalaan ukol sa malaking posibilidad na pananalasa ng low pressure area o LPA at habagat sa malaking bahagi ng bansa.

Nauna rito, sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration na magdadala umano ng malalakas at matagalang ulan ang nasabing kambal na masamang panahon at dito ibinatay ng Malakanyang ang direktiba nitong isuspinde ang trabaho at klase sa paaralan sa Metro Manila at maraming lalawigan.

Babala ng PAGASA, maghanda at mag-ingat sa mga baha at landslide na mapanganib sa buhay at ari-arian.

Ayon sa PAGASA, mula kamakalawa ng tanghali hanggang tanghali kahapon, Agosto 26, tatamaan ng LPA at habagat ang mga lalawigan ng Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Northern Samar, Eastern Samar, Leyte, and Southern Leyte.

Mula tanghali kahapon hanggang tanghali ng ngayong Miyerkules, Agosto 27, tatamaan naman ang Aurora, Quezon, Laguna, Rizal, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, and Sorsogon.

Pero ang ginawa ng pamahalaan, nilahat na ang tigil-pasukan sa pasukan sa gobyerno at mga eskwela sa araw na ito.

Bahala namang magdesisyon ang mga pribadong kompanya kung magsuspinde sila ng trabaho.

Gayunman, may pasok ang lahat ng pwersa ng pamahalaan, nasyonal at lokal, na panlaban sa kalamidad, emergency, gutom at iba pa at normal na patakaran ito.

Masasabing maagap ang pamahalaan sa aksyon nito laban sa masasamang panahon na lilikha ng mga baha at landslide at kalamidad.

At maganda ang ibubunga nito para sa kaligtasan sa buhay at ari-arian at para sa kapanatagan ng loob ng mga mamamayan.

Mayroon lang masamang ibubunga ng pagiging maagap ng pamahalaan.

Pati ang pagsisipag nina Pangulong Bongbong Marcos at mga senador na mag-imbestiga sa gawa ng mga korap na baha, landslide at kalamidad ay masususpinde rin.

Makahihinga nang maluwag ang mga korap.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here