Home NATIONWIDE Massive voter education campaign ikakasa ng Comelec

Massive voter education campaign ikakasa ng Comelec

Nakatakdang ilunsad ng Commission on Elections (Comelec) ang sa susunod na buwan ang massive voter education campaign para ipakita ang paggamit ng automated counting machines (ACMs) sa mga stakeholder bago ang 2025 midterm elections.

Sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia nitong Miyerkules na hindi bababa sa 2,000 ACMs ang naipamahagi sa lahat ng barangay sa bansa bilang paghahanda sa isang roadshow caravan na nakatakda mula Disyembre 2, 2024 hanggang Enero 30, 2025

Sinabi ni Garcia  sa delivery ng ACMs sa Comelec warehouse Biñan,Laguna na mula Disyembre 2 Hanggang Enero 30,iikot ang Comelec upang mai-demo at maranasan ang mga makina at malaman nila paano ito magamit.

Nagdeliber ang South Korean firm na Miru System ng kabuuang 9,860 ACMs sa Comelec nitong Nob.27 , para sa makumpleto ang  110,620 ACMs na kinakailangan para sa 2025 midterm elections.

Sasailalim sa hardware acceptance tests (HAT) lahat ng ACMs at election peripherals sa Comelec warehouse kung saan ang hardware components ng makina kabilang ang battery mode operation ,screen,printer,camera,scanner,audio,USB ports ,LED se sors ,external keypad,network at HDMI ay susuriin. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)