Home NATIONWIDE Masusing background check sa ‘surprise witness’ na staff ni Co, hirit ni...

Masusing background check sa ‘surprise witness’ na staff ni Co, hirit ni Lacson

234
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson nitong Biyernes ng masusing record check at background investigation kay Orly Regala Guteza, ang “surprise witness” na nagpatotoo sa Senate Blue Ribbon Committee nitong Huwebes.

Inihayag ni Guteza, dating Marine at ex-security aide ni Rep. Zaldy Co, na nag-deliver siya ng mga maletang may pera, na tinawag niyang “basura,” sa mga bahay nina Co at dating Speaker Martin Romualdez. Mariin itong itinanggi ni Romualdez.

Binigyang-diin ni Lacson na walang abiso sa komite bago iprisenta si Guteza, at kinuwestiyon pa ang kanyang affidavit matapos itanggi ni Atty. Petchie Rose Espera na siya ang nagnotaryo o naghanda nito. Tinawag niyang “falsified and unauthorized” ang pirma at notarial details na nakakabit sa dokumento.

Si Sen. Rodante Marcoleta ang nagprisenta kay Guteza, na umano’y ni-refer sa kanya ni dating Rep. Michael Defensor.

Dagdag ni Lacson, walang magiging isyu kung ipatawag si Co sa pagdinig, dahil ang inter-parliamentary courtesy ay ibinibigay sa institusyon ng Kongreso at hindi sa mga indibidwal na miyembro. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here