Home METRO Mataas na lider ng NPA, 2 pa tigok sa sagupaan

Mataas na lider ng NPA, 2 pa tigok sa sagupaan

MANILA, Philippines – Napatay ng tropa ng gobyerno ang isang mataas na lider ng New People’s Army (NPA) at dalawang iba pa sa engkuwentrog naganap sa Cagayan.

Kinilala ng awtoridad ang pinuno ng NPA na si Edgar Arbitrario, kilala rin bilang “Karl”, na napatay sa bakbakan sa Barangay Baliuag sa bayan ng Peñablanca noong Setyembre 11.

Si Arbitrario, tubong Davao City at kalihim ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley ng NPA, ay napaulat din na sangkot sa ilang aktibidad ng terorista.

Dalawa pang miyembro ng NPA na sina “Ka Jorly” at “Ka Nieves,” ang napatay din sa engkwentro.

Narekober sa clash site ang iba’t ibang baril, bala at iba pang kagamitang militar.

Pinapurihan naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. ang mga sundalo sa lalawigan ng Cagayan sa nasabing tagumpay.

Ginawaran ni Brawner ang mga tropang sangkot sa misyon, na binibigyang-diin ang pangako ng AFP na ganap na sumunod sa kampanya nito upang wakasan ang insurhensya.

Sinabi ni Brawner na ang tagumpay ng operasyon ay nagpapatibay sa mga estratehikong layunin ng militar sa pagpuksa sa insurhensya. RNT