Home OPINION MATINDING BASURA, RECYCLING, PAKINABANG

MATINDING BASURA, RECYCLING, PAKINABANG

3
0

MALAKI talagang problema ang basura, lalo na sa mga kalunsuran gaya ng Metro Manila.

Pero kung maayos na i-manage ang mga basura, pupwedeng pakinabangan sa halip na ituring lang na perwisyo ang mga ito.

Ang mga solidong basura na natagpuan sa Paranaque nitong nakaraang mga araw ay isa lang pruweba na malaking problema ito.

Mahigit 100 dump truck ang naging katumbas ng nasabing basura at kinakalkal at hinahakot pa rin at inilalagay sa mga lugar na na dapat nilang paglagyan.

Saludo tayo sa lahat ng nagkaikaisang ahensya ng gobyerno, kasama ang mga lokal na pamahalaan, at mamamayan na nagtutulong-tulong upang maalis ang basura sa lugar.

SAAN GALING?

Ang tiyak kung saan galing ang nasabing mga basura ay hindi lang mula sa mga balahurang mamamayan kundi maging sa mga establisimyento na nasa bandang itaas at paligid ng lugar.

Maaaring may mga hindi rin naasikasong hakutin o maling pinaglagyan ng mga kontraktor sa basura.

Sa parte ng mga mamamayan, may aktuwal tayong nasasaksihan na may mga batang nangongolekta ng basura sa mga bahay-bahay kapalit ng mga barya na pambaon nila sa iskul.

At basta na lang itinatapon ang mga basura sa mga drainage, sapa at ilog.

Sa mga establisimyento, may mga natatagpuan tayong nagkakalkal ng mga basura na inilalabas sa mga gusali at bago pa makarating ang mga trak ng basura, nakakalat na ang mga kinalkal.

Ang mga tagawalis na lang ng mga MMDA at LGU ang nag-aasikaso sa mga ito.

Marami rin ang nanggagaling mismo sa mga bahay-bahay na lubog sa mga baha na tumatakbo at tangay ng baha ang mga lamang-loob ng mga bahay.

Isa pang hindi maganda, marami ring laman na basura ang mga drainage mula sa construction works ng mga nagtatayo ng mga gusali.

Kasama sa mga basura nila ang mga kahoy, plywood, semento, papel, karton, plastic, buhangin at bato na pumupuno sa mga drainage na kung nagbara na ay lumilikha ng mga baha tungo sa mga kalsada at kabahayan.

RECYCLING, ENERHIYA

May mga basura talaga na dapat itapon at sa mga dapat pagtapunan ilagay ang mga ito.

Kaugany nito, kung istrikto lang na sundin ang pag-uri-uri ng mga basura na nabubulok, hindi nabubulok at iba pa gaya ng mga galing sa mga ospital at mga pabrika ng kemikal, may pupwedeng mga gawin upang ma-recycle at mapakinabangan ang mga ito.

Ang mga plastic nga lang, pupwedeng maging langis ang mga ito sa tamang pagluluto at hindi lang basta gamitin ng mga artist para sa kanilang mga gawa.

Kung magawang langis ang mga ito, pupwedeng panggatong at enerhiya sa mga makinarya at pagluluto.

Ang ibang mga solidong basura gaya ng mga kahoy, plywood, karton at iba pa, pupwedeng gawing gatong sa paglikha pa rin ng enerhiya para sa elektrisidad.

Ang mga putik, tumigas na semento at iba, pupwedeng panambak sa mga mababang lugar laban sa baha habang ang mga bakal, yero, aluminum at kauri ng mga ito, pupwedeng dalhin sa mga tunawan para maibalik na kapaki-pakinabang sa paggawa ng maraming bagay.

Bukod sa magiging malaking laman ng bulsa ang mga basura, pupwede silang maging kapaki-pakinabang sa lahat sa huli…kung maayos lang na pamahalaan ang mga ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here