MANILA, Philippines – Patuloy na nakakaapekto ang Habagat sa buong Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas ngayong Biyernes, Agosto 14.
Ayon sa PAGASA, ang Zambales and Bataan ay makararanas ng pabugso-bugsong malalakas na ulan dahil sa Habagat.
Ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, rest of Central Luzon, at Antique ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Habagat.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng Luzon, Aklan, at Capiz ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa kaparehong weather system habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng kaparehong lagay ng panahon dahil naman sa localized thunderstorm. RNT/JGC