Home ENTERTAINMENT Matteo, napabayaan na ang career!

Matteo, napabayaan na ang career!

170
0

Manila, Philippines – Stage husband.

Ganito na ngayon ang paglalarawan kay Matteo Guidicelli na lagi na lang binubuntutan ang misis na si Sarah Geronimo.

Kulang na nga lang daw ay si Matteo ang “anino” ng Popstar Royalty.

Kung matatandaan, sa first ever Billboard Philippines Woman ay karay ni Sarah ang mister sa blue carpet.

Si Matteo rin ang nag-present ng Billboard Philippines Woman of the Year kay Sarah.

Maging ang plant-based event sa kanilang G Studios ay naroon din si Matteo.

Understandable naman ‘yon dahil the Guidicelli couple owns the all-around facility in Alabang.

‘Yun nga lang, sa kasasama ni Matteo sa lahat na lang ng mga dinadaluhang pagtitipon ng kanyang misis ay napapabayaan na raw nito ang kanyang sariling career.

Sa natapos na Black Rider, disappointed ang kanyang mga fans sa limitado niyang exposure roon.

Pinakamarami na raw kasi ang dalawang eksenang kasama siya, minsan ay wala pa.

Maging sa early morning news program ng GMA na Unang Hirit ay bibihira na ring mapanood si
Matteo.

Pinaalalahanan tuloy siya ng mga netizens as it might spark a rivalry between the couple, kung saan ‘di hamak na mas sikat ang babae kesa sa lalaki.

Mahirap daw itong tanggapin ng “male ego” pag nasasapawan ng misis.

Marami naman ang umaasang hindi ito

makakaapekto sa pagsasama nina Sarah at Matteo lalo pa ngayong kinumpirma ng

singer-actress na maayos na uli sila ng kanyang Mommy Divine.

Of late daw kasi ay sa bahay ng kanyang mga magulang nag-i-sleep over si Sarah.

Sagana rin daw si Sarah mula sa ina ng supply ng gulay, prutas at kung anu-ano pang produce ng kanilang farm sa Tanay, Rizal. Ronnie Carrasco IIi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here