Home NATIONWIDE Matutukoy na labis kumonsumo ng tubig wa-warningan ng MWSS

Matutukoy na labis kumonsumo ng tubig wa-warningan ng MWSS

MANILA, Philippines- Dahil sa umiiral na El Niño phenomenon, babalaan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang mga matutukoy na labis kung kumonsumo ng tubig.

Nang tanungin kung paano nagtitipid ng tubig ang pamahalaan sa kabila ng tag-init, sinabi ni MWSS Department Manager Patrick Dizon na binabantayan nila ang monthly consumption ng mga tahanan.

“Kung malaki po iyong itinaas po ng kanilang konsumo ay atin pong iimbestigahan po ito. At kung napatunayan po na wala naman pong leak sa kanilang kabahayan ay wa-warning-an po natin sila at tutulungan po natin at tuturuan po natin kung paano po makatipid ng paggamit po ng tubig,” wika ni Dizon.

Gayundin, sinabi ni Dizon na babantayan din nila kung mas mababa sa average ang konsumo.

Tiniyak naman ni Dizon sa publiko na may sapat na water supply; subalit sisikapin pa rin ng pamahalaan na magtipid ng tubig sa gitna ng dry season. RNT/SA