MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Agriculture (DA) ang planong ibaba ang maximum suggested retail price (MSRP) ng 5 porsyentong broken imported rice mula PHP45 sa PHP43 kada kilo simula Hulyo 1.
Layunin nitong mas mapababa ang presyo ng bigas at makatulong sa mga Pilipino, alinsunod sa utos ni Pangulong Marcos Jr.
Sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel na makatutulong din ito para mapababa ang presyo ng ibang klase ng bigas.
Bagamat bumagal ang rice inflation sa -12.8 porsyento noong Mayo, nananatiling determinado ang DA sa pagbaba ng presyo sa tulong ng iba’t ibang programa tulad ng Rice-for-All at food security emergency.
Tiniyak din ng DA na hindi maaapektuhan ang presyo ng lokal na bigas sa panahon ng pag-aani. Santi Celario