SURIGAO CITY – Tatlong katao, kabilang ang isang empleyado ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Surigao del Norte, ang naaresto sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-13) sa Barangay Taft noong Martes.
Ayon sa ulat ng PDEA-13 nitong Miyerkules, tinatayang 115 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱782,000 ang nasamsam mula sa mga suspek.
Nakumpiska ng mga awtoridad sa mga suspek ang 50 gramo ng shabu, pitong sachet na may kabuuang 35 gramo, at isa pang sachet na may 30 gramo.
Hindi pinangalanan ang mga suspek, ngunit kinumpirma ng PDEA na nasa kanilang kustodiya ang mga ito at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon sa PDEA, naging matagumpay ang operasyon sa tulong ng impormasyon mula sa isang concerned citizen.
/Mary Anne Sapico