MANILA, Philippines – Nagsagawa ng ikapitong bilateral maritime cooperative activity (MCA) sa West Philippine Sea ang Armed Forces of the Philippines at US Indo-Pacific Command upang palakasin ang kooperasyon at seguridad sa rehiyon.
Tampok sa pagsasanay ang fire support rehearsal kasama ang US 3rd Marine Littoral Regiment at ang unang operational deployment ng bagong guided missile frigate ng Philippine Navy, ang BRP Miguel Malvar (FFG-06), na na-komisyon noong Mayo.
Kasama rin sa MCA ang capacity building at paghahanda sa sakuna, kung saan lumahok ang Philippine Air Force at Coast Guard. RNT