MANILA, Philippines – Nakuha ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P16.2 milyong halaga ng ketamine at mataas na kalidad na marijuana sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.
Tatlong parsela mula sa USA, Thailand, at Poland ang naglalaman ng marijuana kush at ketamine na nakatago sa mga gamit tulad ng coffee maker.
Na-flag ang mga parsela matapos ang X-ray at K9 inspeksyon, at idineklarang abandonado dahil hindi ina-claim ng matagal.
Iniimbestigahan ang nagpadala at tatanggap, at isasampa ang kaso laban sa kanila. RNT