MANILA, Philippines – Itinakda na ng Department of Agriculture (DA) ang maximum suggested retail prices (MSRP) ng baboy sa Metro Manila bago ang Pasko.
Simula Disyembre 5, 2025, ang presyo ng liempo ay hindi lalampas sa ₱370/kilo, habang ang kasim at pigue ay nasa ₱330/kilo.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layunin ng hakbang na ito na protektahan ang mga konsyumer mula sa mataas na presyo, na umabot hanggang ₱480/kilo noong unang bahagi ng Nobyembre.
Pananatili rin ang minimum farm-gate price na ₱210/kilo para matiyak ang kita ng mga nag-aalaga ng baboy. Santi Celario