Home ENTERTAINMENT Maxene at jowa, stranded sa Dubai!

Maxene at jowa, stranded sa Dubai!

165
0

Dubai, UAE – Caught in the crossfire.

Ganito ang kalagayan ngayon ni Maxene Magalona at ang kanyang nobyo na stranded sa Dubai dala ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Ayon sa Instagram post ni Maxene nitong March 3, halos one week na sila ng kanyang boyfriend sa Dubai.

Pero sa kabila ng sitwasyon, ligtas naman daw sila.

“As of today, Dubai is navigating a period of high alert and significant disruption following a series of missile and drone attacks launched by Iran across the region.”

Sa kabila nito, may best defense system naman daw ang gobyerno ng UAE “as it was able to intercept more than a hundred missile and drone attacks.”

Hindi tuloy napigilan ni Maxene na magbalik-tanaw noong ma-stranded siya sa Bali, Indonesia noong 2020.

Nagkataon kasing laganap noon ang Covid-19 pandemic.

Kumpara daw noon na sobrang tensyonada siya dahil nag-iisa siya, ngayon daw ay kampante siya dahil kasama niya ang kanyang partner.

“Now I feel so blessed to be here with Geoff who takes good care of me and protects my peace at all cost,” post ni Maxene.

Dahil nga sa gulo sa Middle East kung kaya’t maraming flights ang kanselado, creating bedlam at the airports.

Habang sinusulat ito’y hindi pa tiyak kung kailan magre-resume ang mga international flights. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here