Home METRO May-ari ng SUV na viral sa ‘dirty finger road rage’ video, pinatawag...

May-ari ng SUV na viral sa ‘dirty finger road rage’ video, pinatawag ng LTO

320
0

MANILA, Philippines – Alinsunod sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na habulin ang mga maling motorista, ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng gabay ni Acting Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Z. Lopez ang rehistradong may-ari ng isang sports utility vehicle na ang driver ay nakita sa viral video na gumagawa ng dirty hand gesture sa kapwa motorista.

Sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na ang rehistradong may-ari ay nabigyan na ng show cause order na magbibigay daan upang matukoy kung siya ang nagmamaneho ng sasakyan sa oras ng insidente.

Ayon sa LTO ang rehistradong may-ari ay taga-Quezon City at hindi agad malinaw kung siya ang nasa viral video na engaged in a road rage.

Sa video na nag-viral sa Facebook, nakitang counter-flow ang sasakyan sa solid double yellow lane.

Sinabi sa ulat na nagalit tuloy ang driver ng SUV matapos lumitaw ang isang motorista na humarang sa kanyang dinaraanan. Nakita tuloy ang driver na galit na humarap sa mga motorista bago gumawa ng masamang hand gesture.

Nagbanta pa umano  ang driver ng SUV na ipapababa ang sasakyan para harapin ang motorista.

Sinabi ni Asec Mendoza na natukoy ng mga imbestigador ng LTO ang may-ari matapos makita ang plaka sa viral video.

“Ibinunyag ng verification mula sa database ng LTO na ang sasakyang de-motor ay huling narehistro noong Pebrero 22, 2022, at mula noon ay hindi na na-renew bilang paglabag sa kinakailangan sa sapilitang pagpaparehistro sa ilalim ng Seksyon 5 ng Republic Act No. 4136,” ani Asec Mendoza.

Sa SCO na nilagdaan ni LTO Intelligence and Investigation Division chief Renante Melitante, hiniling sa rehistradong may-ari na ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat parusahan dahil sa expired na registration, gayundin ang reckless driving, hindi pagpansin sa traffic signs, obstruction of traffic at pagiging hindi tamang tao sa pagpapatakbo ng motor vehicle.

Sinabi ni Melitante na inilagay na nila sa alarma ang SUV, isang Mitsubishi Montero na may Plate No. NFG9505. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here