Home NATIONWIDE May nanalo na ng P72.366M jackpot sa Grand Lotto

May nanalo na ng P72.366M jackpot sa Grand Lotto

MANILA, Philippines – May nanalo na naman sa lotto!

Ito ay matapos matamaan ng solong mananaya ang jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 na P72.366 million sa draw nitong Lunes, Hunyo 30, 2025.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, ang winning numbers para rito ay 03-54-24-36-18-46 na may jackpot na aabot sa P72,366,751.

Wala namang nanalo para sa Megalotto 6/45, sa number combination na 25-17-19-07-08-35 para sa jackpot na P41,001,229.80. RNT/JGC