Home METRO Misis kinatay ng mister sa selos… suspek naglaslas

Misis kinatay ng mister sa selos… suspek naglaslas

SOUTH COTABATO – MISTULANG manok na nilaslasan ng leeg ang isang misis ng kanyang mister dahil umano sa selos habang ginagamot naman sa ospital ang huli matapos maglaslas sa leeg, kahapon, Hunyo 30 sa bayan ng Norala.

Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang biktimang si Gigi habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang suspek na mister nitong si alyas Lar at kapwa residente ng Barangay San Miguel, Norala.

Batay sa report ng South Cotabato Police Provincial Office, naganap ang krimen sa loob ng bahay ng mag-asawa noong Hunyo 30, 2025.

Sa paunang imbestigasyon, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa hanggang sa kumuha ng patalim ang suspek at nilaslas ang leeg ng kanyang misis.

Nakita ng suspek na nagkikisay ang misis at naliligo sa sariling dugo kaya nilaslas na rin nito ang kanyang leeg.

Nakita ng kanilang mga kamag-anak na kapwa duguan ang mag-asawa pinagtulungan nila itong dalhin sa ospital subalit idineklara na rin patay ng umatending doktor si Gigi.

Naka-hospital arrest ngayon ang suspek na nahaharap sa kasong parricide. Mary Anne Sapico