Home NATIONWIDE Dalawa hanggang tatlong bagyo maaaring pumasok sa PAR – PAGASA

Dalawa hanggang tatlong bagyo maaaring pumasok sa PAR – PAGASA

258
0

MANILA, Philippines – Dalawa o tatlong bagyo ang inaasahang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Hulyo ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services (PAGASA).

May malaking tsansa itong mag “landfall” sa gawing Visayas o Gitnang Luzon o maaari ring sa gawing Batanes. Maaaring mag bago ang direksyon nito at siguradong palalakasin pa nito ang Habagat, ayon sa PAGASA.

Sa ngayon ay may binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa gawing Quezon, at may bahagyang tyansa itong maging “Tropical Depression”. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here