Home NATIONWIDE ICC muling nakaranas ng cyberattack

ICC muling nakaranas ng cyberattack

THE HAGUE, Netherlands – Sinabi ng International Criminal Court (ICC) nitong Lunes, Hunyo 30 na mayroon itong natukoy na isang targeted “cybersecurity incident”, ang ikalawang pag-atake sa loob ng dalawang taon.

Nangyari ang insidente na inilarawan nila bilang “new, sophisticated, and targeted” noong nakaraang linggo, ayon sa ICC.

Ang ICC ay nakabase sa The Hague, na noong nakaraang linggo ay nag-host ng summit para sa mga world leaders, kabilang ang US President Donald Trump, at 32 pang miyembro ng NATO military alliance.

Noong 2023, naranasan ng ICC ang sinabi nitong isang “unprecedented” cyberattack na kalaunan ay ipinahayag na isang itong pagtatangkang paniniktik.

Hindi nagbigay ng detalye ang ICC tungkol sa isang potensyal na suspek sa nangyaring pag-atake noong nakaraang linggo.

Ang ICC ay nag-uusig sa mga indibidwal na pinaghihinalaan ng pinakamasamang krimen sa mundo, kabilang ang mga krimen sa digmaan, mga krimen laban sa sangkatauhan, at genocide. RNT/MND