Home NATIONWIDE Mga retiradong heneral kinondena Chinese platform sa Bajo de Masinloc

Mga retiradong heneral kinondena Chinese platform sa Bajo de Masinloc

1
0

MANILA, Philippines — Kinondena ng mga retiradong heneral at flag officers ang naiulat na paglalagay ng China ng isang floating platform sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal, na anila’y maaaring bahagi ng pagpapalawak ng presensiya ng Beijing sa pinagtatalunang teritoryo.

Nagpahayag ng pagkabahala ang Association of Generals and Flag Officers (AGFO) sa estrukturang namataan sa shoal at sinabing banta ito sa soberanya ng Pilipinas at maaaring maging daan sa mas malawak na okupasyon o development activities ng China sa lugar. Nanawagan din ang grupo sa pamahalaan na gumawa ng matitibay na hakbang upang ipagtanggol ang karapatan at teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.

Ang pahayag ay kasunod ng paghahain ng Pilipinas ng diplomatic protest laban sa floating structure na inilarawan ng mga awtoridad bilang movable platform na may antenna at may mga taong nakatalaga rito. Ayon sa mga opisyal ng seguridad, patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon upang maiwasan ang anumang pagtatangka na gawing panibagong artificial island ang Bajo de Masinloc.

Patuloy namang iginiit ng China ang pag-aangkin nito sa Scarborough Shoal, habang pinaninindigan ng Pilipinas na saklaw ito ng maritime zone ng bansa batay sa international law. Nanatiling mataas ang tensyon sa lugar dahil sa sunod-sunod na komprontasyon sa pagitan ng mga sasakyang pandagat ng dalawang bansa. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here