PASIG, Philippines – Hindi bababa sa 50 pamilya ang naapektuhan ng sunog na sumiklab sa isang residential area sa Barangay Rosario, Pasig City noong Lunes ng gabi, Hunyo 30.
Nagsimula ang sunog bago mag alas-otso ng gabi. at itinaas sa 1st alarm makalipas ang limang minuto. Umabot sa 3rd alarm ang sunog, alas-8:20 ng gabi.
Maraming residente ang hindi nakapag-salba ng kanilang mga gamit dahil mabilis na kumalat ang apoy sa mga bahay na gawa sa light materials.
Isang tao naman ang naiulat na nagtamo ng mga pinsala.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection Pasig ang sanhi nito. RNT/MND