MANILA, Philippines – Naitala sa Bulkang Mayon ang pagbuga nito ng apat na dome-collapse pyroclastic density currents mula sa bunganga nito, Biyernes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Sa isang volcano advisory alas-8 ng gabi, sinabi ng PHIVOLCS na naobserbahan ang apat na PDC mula alas-6:09 ng gabi at umagos ng apat na minuto pababa sa Basud Gully sa layong tatlo hanggang apat na kilometro.
“It is strongly recommended that the areas inside the six-kilometer-radius Permanent Danger Zone remain evacuated, and that communities within the seven- and eight-kilometer radius be prepared in case current PDC activity worsens,” ayon pa sa PHIVOLCS.\
“Civil aviation authorities must also advise pilots to avoid flying close to the volcano’s summit as ash from eruptions can be hazardous to aircraft,” dagdag pa nito.
Sinabi ng PHIVOLCS na mahigpit nilang binabantayan ang Bulkang Mayon at anumang bagong development ay ipapaalam sa lahat ng stakeholders. RNT