Home NATIONWIDE Mayon nakapagtala ng 14 pagyanig

Mayon nakapagtala ng 14 pagyanig

2
0

ALBAY, Philippines — Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang 14 na volcanic earthquake sa Bulkang Mayon nitong Huwebes, Oktubre 15, 2026, habang nananatili sa Alert Level 2 ang bulkan.

Ayon sa Phivolcs, namataan din ang pagbuga ng usok mula sa bunganga ng bulkan na umabot sa taas na 600 metro. Naobserbahan din ang pamamaga ng bulkan, kasama ang panandaliang pag-impis sa hilagang-silangang bahagi nito.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng anim na kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) at ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan dahil sa posibleng panganib ng pagputok.

Nagbabala rin ang Phivolcs sa posibilidad ng biglaang pagputok, pagguho ng mga bato mula sa tuktok ng bulkan, at pagdaloy ng lahar kapag nagkaroon ng malakas na pag-ulan. SANTI CELARIO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here