Home METRO Mayon nakunan na mistulang may salakot

Mayon nakunan na mistulang may salakot

📾Djorhiz Ruel Bartolome/Facebook

SA kauna-unahang pagkakataon ipinakita ng bulkang Mayon ang ganda nito matapos itong makunan na tila may suot na salakot sa lalawigan ng Albay.

Ilan sa mga larawan ay kinunan ni Djorhiz Ruel Bartolome ng Guinobatan Albay na makikita rin sa Unang Balita nitong Miyerkules.

Ayon kay Bartolome, isang photographer, unang beses niyang nakita na ganito kaganda ang bulkang Mayon.

Kaugnay nito sinabi ng PAGASA na lenticular clouds ang tawag sa malaplatong ulap na nakapalibot sa bulkan, na madalas nabubuo sa mga mountainous areas tulad ng Mayon.

Maaari ring nakahalo sa ulap ang abo na inilalabas ng bulkan kaya naging mas visible ito.

Samantala kaugnay nito patuloy ang mabagal na pagdaloy ng lava sa bulkang Mayon dahil sa pag-aalboroto nito sa nakalipas na magdamag iniulat kanina Agosto 2, 2023 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs patuloy na nakataas sa alert level 3 ang paligid ng bulkang Mayon at aabot sa 57 volcanic earthquake ang naitala sa patuloy na pagyanig ng bulkan. Santi Celario

Previous articleAktibong kaso ng COVID sa Pinas, 3,972 na lang
Next articlePiloto, estudyante patay sa bumulusok na Cessna sa Apayao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here