Home HOME BANNER STORY Piloto, estudyante patay sa bumulusok na Cessna sa Apayao

Piloto, estudyante patay sa bumulusok na Cessna sa Apayao

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng awtoridad na dalawa ang nasawi sa bumagsak na Cessna plane sa lalawigan ng Apayao.

Gayunpaman, hindi pa rin nakuha ng mga rescuer ang mga labi nina Capt. Edzel John Lumbao Tabuzo at student pilot na si Indian Anshum Rajkumar Konde mula sa crash site.

Nauna rito, natagpuan ang Cessna plane na naiulat na nawawala sa Cagayan noong Martes sa lalawigan ng Apayao Miyerkules ng hapon.

Iniulat ni Apayao Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) head Joeffrey Borromeo na ang crash site ay matatagpuan sa hangganan ng Barangay Salvacion, bayan ng Luna at Barangay San Mariano sa bayan ng Pudtol.

Nakita ng isang medical at rescue team na sakay ng Black Hawk helicopter ng Philippine Air Force ang crash site. RNT