
MANILA, Philippines- Naglabas ng bagong batch ng local candidates na kailangang magpaliwanag sa Commission on Elections (Comelec) dahil sa mga alegasyon ng vote buying at abuse of state resources (ASR) kaugnay sa national ang local elections.
Sa isang pahinang dokumento na nilagdaan ng Comittee on Kontra Bigay sa pamumuno ni Teopisto Elnas Jr., kabilang sa 19 kandidato si Manila Mayor Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan sa insiyuhan ng show cause order at ASR.
Ito ay matapos makarating sa tanggapan ng Comelec sa isang Facebook Live ng kanyang katunggali na si Sm “SV” Versoza ang umano’y vote buying sa San Andres Sports Complex nitong Huwebes, April 24.
Bukod sa bigas ay ibinibigay pa umanong P1,000 sa kada residente na nagtungo sa complex.
Sina Versoza ay nauna nang pinadalhan ng show cause order ng Comelec at Isko Moreno dahil sa umano’y vote buying.
Kabilang sa bagong batch ng pinadalhan ng show cause order sina Marikina Rep. Stella Quimbo na kandidato sa pagka-alkalde dahil sa pagkakasangkot sa vote buying at ASR.
Pinagpapaliwanag din ng komisyon ang kanyang asawa na si dating Rep. Romero Quimbo na tumatakbo bilang kinatawan ng Marikina 2nd District dahil din sa alegasyon ng vote buying.
Ang iba pang kandidato na inisyuhan ng show cause order ng CKB ay ang mga sumusunod:
Denver Christopher Chua, tumatakbong mayor ng Cavite City
Marvin Venus ng Baras, Rizal
Ruben Talon, Butch Suspeñe, at Zake Derequito ng Dumangas, Iloilo
Cagayan province gubernatorial bet Zarah Rose Lara
Allan Martines de Leon at Kristofer Charles Esguerra ng Taytay, Rizal
Mauban, Quezon mayoral bet Erwin Pastrana
Rhapsody Miguel Riveral ng Cuartero, Capiz
Winfred Rivera ng Kamalayan Party-list
Jeren Jude Bacas at Rolen Paulino Jr., ng Olongapo City
Danilo Fernandez ng Laguna province
Romulo Avila, tumatakbong vice mayor ng Quezon Province. Jocelyn Tabangcura-Domenden