Home NATIONWIDE Kabaong ni Pope Francis sinelyuhan na

Kabaong ni Pope Francis sinelyuhan na

MANILA, Philippines- Bilang paghahanda sa libing ni Pope Francis, ang kanyang kabaong ay sinelyuhan na sa isang pribadong seremonya sa Vatican Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga dito sa Pilipinas.

Pinangunahan ni Cardinal Camerlego Kevin Farell ang liturgcal rite na idinaos sa St. Peter’s Basilica at dinaluhan ng mga miyembro ng pamilya ng papa gayundin ang mga awtoridad ng Vatican.

Ito ay bilang pagtatapos sa tatlong araw na public viewing sa mga labi ng papa na umani ng libo-libong tao mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Bilang tradisyon, nilagyan ng puting belo na silk sa mukha ang papa at ang bag na may barya at medalya na ginawa sa panahon ng kanyang 12 taong pontificate ay inilagay sa kahoy na kabaong.

”Now that the ceremony is over, the Chapter of St. Peter will hold a prayer vigil by the coffin all night, until the Pope’s funeral begins tomorrow morning (hapon ng Sabado sa Pilinas),” ayon sa update ng Vatican News.

Pero Sabado ng umaga sa Vatican, ilalabas ang kabaong ng papa sa Basilica sa public square para sa paglilibing.

Magsisimula ang libing ng alas-10 ng umaga sa Vatican o alas-4 ng hapon sa Pilipinas.

Inaasahang 200,000 tao ang dadalo sa seremonya sa harap ng St. Peter’s Basilica pero sa ngayon ay nasa 50 pinuno pa lamang ang nagkumpirma na dadalo kabilang si Pangulong Ferdinang Marcos Jr.

Sa libing, si Italian Giovanni Battista Re ang maghahatid ng homily at mamumuno sa Misa na inaasahang ipagdiriwang ng 220 cardinals at 750 bishops at pari malapit sa altar at higit 4,000 iba pang mga pari sa plaza.

Maglalakbay ang funeral cortege sa basilica mula sa St.Peter’s Square.

Ang libing ay magiging isang pribadong serbisyo, ngunit ang mga bisita sa libingan ay papayagan sa ilang sandali pagkatapos. Ang libingan ay isusulat lamang ng Latin na pangalan para kay Francis na Franciscus.

Ang papal funeral ay minarkahan ang una sa siyam na araw ng pagluluksa para sa pandaigdigang Simbahan.

Si Pope Francis ay pamanaw sa edad na 88. Jocelyn Tabangcura-Domenden