Manila, Philippines- Ayaw tantanan ng mga katikatera at sawsawera ang ipinost na litrato ni Sue Ramirez kung saan kasama niya ang ina at ang rumored dyowang si Dominic Roque.
Ginunita kasi ng aktres ang ika-90 taong birthday ng kanyang namayapang ama kasama ang dalawa.
Umani naman agad ng samu’t-saring reaksyon sa netizens ang bonding na iyon ni Dom sa mag-ina.
Sey ng kibitzers, namanhikan na raw si Dom sa nanay ni Sue.
Nauna rito, una nang ipinakilala ni Dominic si Sue sa kanyang parents.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“So namanhikan na si Dom sa mudra ni Inday Sue.”
“Finish na. End game na ang kasalan.”
“Ibang level na iyan kasi may I ask na ng blessing sa parent ng babae.”
“Sana sila na talaga forever lalo na pareho sila ng birthday.”
“Dominsue for the win.”
“Bagay sila . Ang gaan lang na walang stress ang relationship nila.”
“He looks comfy and happy, mas chillax ang demeanor nya with Sue.”