MANILA, Philippines- Halos 140,000 police personnel ang ipakakalat sa buong bansa upang magbantay sa Eleksyon 2025 sa May 12, batay sa Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes.
“We will be deploying a substantial number of PNP personnel during Election Day,” pahayag ni PNP director for police community relations Police Major General Roderick Augustus Alba sa isang press conference.
“We have a considerable number of more than 140,000 personnel who will secure 37,528 voting centers across the country,” dagdag niya.
Mahigit 7,000 PNP personnel ang sinanay bilang backup poll workers para sa midterm elections at 3,774 sa kanila ang ide-deploy sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Inihayag ni Alba na binabantayan din ng PNP ang mga maaaring makagulo sa eleksyon kabilang ang matinding political rivalries at mga gang.
May kabuuang 63 aktibidad na iniuugnay sa political rivalries ang na-monitor sa BARMM, Metro Manila, at Calabarzon, base kay Alba.
Samantala, naiulat ang mga gang sa Central Luzon, Central Visayas, BARMM, at Zamboanga Peninsula.