Home METRO Mayor Honey sa mga Manilenyo: Magsilbing inspirasyon sa pagpapakalat ng liwanag at...

Mayor Honey sa mga Manilenyo: Magsilbing inspirasyon sa pagpapakalat ng liwanag at kawanggawa ngayong Kapaskuhan

107
0

MANILA, Philippines- Pinangunahan nina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto ang pagpapailaw sa higanteng Christmas Tree sa Kartilya ng Katipunan plaza sa gilid ng Manila City Hall noong Biyernes ng gabi.

Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas Tree ang pagpapaliwanag sa mga dekorasyon at parol sa Pasig River Esplanade, Rizal Park, Intramuros, National Museum, Metropolitan Theater at Bangko Sentral ng Pilipinas.

Bago ang seremonya ng pagpapailaw, nagsagawa ng “unveiling” ang alkalde, bise alkalde at PhilPost Postmaster General Luis Carlos sa bagong labas na Simbang Gabi sa Ilog Pasig commemorative stamp sa publiko.

Hinikayat naman ng alkalde ang mga Manilenyo na magsilbing inspirasyon sa mamamayan na maipakalat ang liwanag at kawanggawa, lalo na sa mga pamilyang nawalan ng tirahan sa malaking sunog sa Isla Puting Bato, Vitas at iba pang lugar na dumanas ng kalamidad.

“There is a donation drop-off center at the Kartilya ng Katipunan where charitable individuals, families, groups, companies and institutions can share relief goods and gifts for calamity victims. Donations are accepted there Mondays to Fridays from 8:00 a.m. to 5:00 p.m.,” ayon sa alkalde.

Samantala, sinimulan na ngayong unang araw ng Disyembre ni Mayor Honey Lacuna ang 12 araw na pamimigay ng 650,000 Noche Buena packs sa bawat pamilyang Manilenyo.

Matapos ang pamamahagi ng pang-noche buena ay may dalawang araw na bigayan ng mga Christmas boxes sa 176,000 senior citizens na residente sa Maynila sa Disyembre 13-14. JR Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here