MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo na patuloy na binabantayan ng mga tauhan nito ang sitwasyon sa EDSA Shrine kahit na nabawasan na ang nagtitipong mga indibiwal doon na nasa 20 na lamang nitong umaga.
“As of 7 a.m. this morning po ay tahimik naman po doon sa paligid ng EDSA Shrine,” pahayag ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo sa isang panayam.
“Meron tayong mga around 200 na nagbabantay diyan pero doon sa mga nagra-rally ay mga nasa 20 na lamang ‘yung naiiwan do’n. Bagamat maliit na bilang ay binabantayan pa rin natin sila,” dagdag niya.
Nagsagawa ng programa ang ilang taga-suporta hanggang ala-1 ng madaling araw upang ipakita ang suporta para kina Vice President Sara Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte. RNT/SA