Home NATIONWIDE Mayor Marcy, atbp kinasuhan sa P130M PhilHealth funds

Mayor Marcy, atbp kinasuhan sa P130M PhilHealth funds

MANILA, Philippines – Humaharap sa mga kaso ng technical malversation, grave misconduct, at conduct prejudicial to the best interest of the service ang ilang opisyal ng Marikina, kabilang na si Marikina Mayor Marcelino Teodoro. Inakusahan sila Teodoro ng misallocation ng PhilHealth funds.

Kasama sa mga kinasuhan ay sina City Accountant Erlinda Gutierrez Gonzales, City Treasurer Nerissa Calvez San Miguel, at Assistant City Budget Officer Jason Rodriguez Nepomuceno dahil sa umano’y paglustay ng mga ito ng P130 milyon mula sa PhilHealth payments.

Nagsampa ng kaso sa Ombudsman si Sofronio Dulay matapos nyang madiskubre na ang mga ginamit na libreng covid testing noong pandemic ay pinareimburse ni Mayor Marcy sa Philhealth na nagkakahalagang P130-Million.

September 2023, naglabas ng city ordinance ang alkalde para sa appropriation ng pondo mula sa reimbursement sa PhilHealth.

Ayon sa Ordinansa, ang pondo mula sa Philhealth ay ginamit pambili ng IT Equiment, repair at maintenance ng mga gusali, donasyon, at pambili ng mga suplay at materyales na nagkakahalaga ng P91 milyon.

Paliwanag ni Dulay, nakasaad sa Universal Health Care Act na lahat ng PhilHealth payments ay dapat nakalaan sa mga programang pangkalusugan. Dahil dito, maituturing na technical malversation ang ginawa ng grupo ni Teodoro.

Aniya, malinaw na nilabag nina Teodoro ang batas dahil sa paggastos ng pera para sa non-health-related budget items.

Giit ni Dulay, ang nasabing pondo ay dapat ginamit para sa mga programang pangkalusugan kagaya ng libreng gamot, libreng lab tests, at libreng check up.

Ang mga kaso laban kina Teodoro at iba pang opisyal ng lungsod ay inaasahang diringgin sa mga susunod na linggo. RNT