Home NATIONWIDE Mayors for Good Governance ipinagtanggol si Magalong kasunod ng pagbibitiw ng pwesto...

Mayors for Good Governance ipinagtanggol si Magalong kasunod ng pagbibitiw ng pwesto sa ICI

321
0

MANILA, Philippines – Muling pinagtibay ng anti-corruption group na Mayors for Good Governance (M4GG) ang malinis na track record ni Baguio City Mayor Benjamin “Benjie” Magalong kasunod ng kanyang pagbibitiw kamakailan sa Independent Committee for Infrastructure (ICI).

“Mayor Magalong cannot be bought, bullied, or swayed by favors or threats. His compass has always been the truth,” saad ng M4GG sa isang pahayag noong Sabado na pinirmahan ng 60 dati at kasalukuyang mga mayor.

Binigyang-diin ng grupo ang mga naisagawa ni Magalong bilang isang lingkod bayan.

“As Mayor of Baguio, he has acted decisively to regulate overdevelopment, protect the city’s environment, and confront corruption across Baguio and the Cordillera, always placing accountability above personal and political gain,” ayon sa M4GG.

“At the national level, he led the Board of Inquiry on the Mamasapano tragedy with independence, rejecting attempts to alter the final report. He courageously exposed the “ninja cops” controversy, prioritizing principle over personal or institutional loyalty,” dagdag ng grupo.

Binigyang-diin din nito ang “complete confidence” kay Magalong, idinagdag na ang alkalde ay “living proof that leaders of character still exist: those who put people above politics, justice above self-interest, and service above ambition.”

Ang pagbibitiw ni Magalong sa ICI ay nagmula sa mga alegasyon na nag-uugnay sa kanya sa mga Discaya matapos ang P110-million tennis court project sa Baguio ay napag-alamang iginawad sa St. Gerrard Construction Company na pagmamay-ari ng mga Discaya.

Ipinag-utos din ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagrepaso sa posisyon ng alkalde ng Baguio City bilang special advisor sa ICI upang matukoy kung may conflict of interest, na itinanggi ni Magalong sa naunang pahayag.

Nauna na ring pinuna ng mga labor groups ang posisyon ni Magalong sa ICI, at sinabing hindi maaaring humawak ng dalawang trabaho nang sabay-sabay ang alkalde.

Dapat pansinin na si Magalong, sa kanyang sariling mga pagsisiyasat sa Baguio City, ay nagsiwalat ng iba pang mga kaso ng umano’y maling paggamit ng pampublikong pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang parehong ahensya ng gobyerno na ang mga kontrobersya sa mga proyektong pangkontrol sa baha ay humantong sa pagbuo ng ICI. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here