Home OPINION TROLL O CONGRESSMAN?

TROLL O CONGRESSMAN?

309
0

ANO na bang nangyayari sa ating Kongreso? Dati, ang House of Representatives ay
simbolo ng dangal at talino. Ngayon, parang naging playground na lang ng ilang
mambabatas na mas inuuna ang yabang kaysa respeto.

Kung napanood mo ang ginawa ni Cavite Rep. Kiko Barzaga kay Majority Floor Leader
Sandro Marcos, siguradong mapapailing ka. Mayabang. bastos. Para bang hindi siya
Congressman kundi troll na nakapasok sa plenaryo. Kahit ang mga nasa minority,
marunong pa rin makipagtagisan ng ideya nang may respeto at diplomasya. May mga
maayos na paraan para ipahayag ang pagtutol o pagkakaiba ng opinyon—pero hindi
kailanman sa pagiging walang modo.

Akala siguro ni Barzaga, sikat na siya dahil sa mga pasaring at patutsada. Oo,
nakikilala nga siya—pero sa masamang paraan. Buti na lang, marunong magtimpi
ang batang Marcos at pinanatili ang kanyang pagiging edukado. Hindi siya bumaba
sa antas ng kabastusan. Imbes, pinakita niya kung paano dapat kumilos ang isang
tunay na statesman at gentleman.

Malinaw ang pagkakaiba ng pagpapalaki sa kanilang dalawa. Kay Rep. Marcos, makikita
ang breeding at upbringing na hinubog ng kanyang mga magulang.

Sa kabila ng dekada-dekadang paninira laban sa pamilya Marcos, nanatili silang tahimik,
disente, at hindi bumaba sa murahan. Lagi nilang pinipili ang high road—at iyon din
ang ipinapakita ngayon ng batang politiko.

Si Rep. Marcos ay huwaran ng pagiging statesman: kalmado, magalang, may respeto.
Samantalang si Barzaga, kung hindi magbabago, baka hindi na siya tingnan bilang
mambabatas kundi bilang troll na sumisira sa imahe ng Kongreso.

Sayang ang talino kung bastos sa batas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here